Sunday, April 7, 2013

#10. Cool Lola There!




Hello! I am going to blog the cool lola there sa Chowking. Kakagaling lang namin sa simbahan ng dumiretso kami sa Zabarte Town Center para maglunch. Sobrang daming tao at halos wala ng maupuan. Then, nakita ko dun ang kachurchmate namin, 3 sila (Mom, daughter and son) so I decided na kakapalan ko nalang ang pagmumuka ko na maghintay sa tabi nila para makaupo kami after nila kumain. Sakto naman kasi na tapos na sila maglunch and they're going to picture city yata para iconsume yung libre nilang something dun. So, nung umalis sila sa upuan may naiwang APAT na upuan eh dalawa lang naman kami ng BF ko kaya umupo ako sa may dulo then sa harap ko siya. Habang umuorder si boyfie, may lumapit sa akin na crew ng Chowking.

"Miss, may kasama ka?"

"Yes, po"

"Ilan kayo?"

"Ay dalawa lang po."

"Ah, makikitabi sa inyo si Nanay ha?"

Then, tumango ako at nakita ko ang "Nanay" na tatabi sa amin. She asked me before siya maupo.

"May kasama ka?"

"Opo (smile)"

"Ah, san sya mauupo, sa harap mo o dito (sabay turo sa tabi ko)

Since I saw na nakalagay na ang mga orders ni Lola sa upuang tinuro niya at sa harap ko naman  talaga papaipuin si Boyfie, syempre pinaupo ko na sya sa upuang malapit sa kanya. May dala yung crew na one piece chicken saka drinks for Lola. Then habang nagtetext ako, aba! Umorder pa pala si Lola ng Halo-halo. Then naghihintay ako ng tatabi sa kanyang kasama niya or apo or anak niya. Pero wala.

Dumating na si darius and Lola stared to him and gave a big smile. Dumating na rin ang orders naming dalawa (Lauriat, 1 piece chicken, 2 chao fan, steamed kangkong, pineapple juice and coke) Pasensya na kayo. Ganyan talaga ang order namin ni boyfiee sa chowking. Tandem yan. Hmm. Goin' back, of course 1 table is not enough for our orders plus may mga condiments pang nakalagay dun. Dahil nahihiya yung darius ko na maglapag ng chao fan sa table ni Lola, pinagkakasya niya yun sa table namin. Then Lola told him

Lola: Sige, dito mo nalang ilagay. Baka malaglag pa yan. Sayang naman.

Darius: Ay, thank you po. (smile)

Then habang kumakain kami, paghigop ni bf sa drinks niya it was a COKE instead of SARSI. He really like to drink sarsi so sa hiya niyang ipabalik yun, ako nalang yung magbabalik so that mapleasure yung pagkain niya dahil sa sarsi na gustung gusto niya. Then naririnig ni Lola yung pinaguusapan namin. She told us:

Lola: Anong problema?
Darius: Kasi po sarsi po inorder ko pero coke po yung binigay. Nakalagay nga rin po sa resibo sarsi eh.
Lola: Ah, ganun? Hayaan mo na. Pareho lang yan eh.

May point si Lola kasi pareho lang naman yun na drinks eh. But my point here is gusto ko naman na masatisfy si darius sa kinakain niya. So, pinilit ko yung gusto ko. Isa pa, mali naman ng Chowking yun.

Lola: Ibabalik lang din nila yan sa lalagyan kapag binalik niyo sa kanila yan. Ihahalo nila yan na parang giniling.
Me&Darius: *laughed*

Then, sa sobrang daming tao, mga 5 mins ko pa nakausap yung isang crew.

Me: Sir, yung inorder po namin is SARSI not COKE. Kahit tingnan niyo po sa resibo pero binigay po sa counter ay coke.

Crew: Ah, Okay. Wait mam.

Lola: Iho, Pahingi pa nga ng kanin.

Crew: 17 lang po mam.

Sa isip-isip ko sa tanda ni lola hindi na dapat sya kumakain ng marami kasi masama na yun para sa kanya. Sa family kasi namen ganun, lola ko, mga tita ko.  Kaya nagulat ako.

Bumalik na yung crew, he gave back a drink and gave lola a rice.

Lola: Pinalitan nila?

Me: Opo. Okay na po.

Lola: Oh, baka iba nanaman yan. I check mo baka pepsi yan. (while laughing)

Darius: Dipo, okay na po ito. (smile)

Lola: Akala ko hindi eh.

*SILENCE*

Me: Lola, ang taray! Ang dami niyong order!

Lola: *laughed* Ay konti lang yan.

Darius: Eh bakit po kayo lang mag-isa dito?

Lola: Eh kasi ayaw ko na isama yung mga apo ko.

Darius: San po kayo galing niyan?

Lola: Nagsimba ako, eh ang init kasi kaya dumaan muna ako dito.

Me: Mayaman po yata kayo. Pa-chowking chowking na lang kayo.

Lola: Ay jusko, hindi ako mayaman. Bigay lang ng mga anak, apo yung pera ko.

Sinasalinan ako ng chao fan ni BF.

Me: Uy tama na! Ibaba mo naman!

Lola: Ibaba mo kasi (laughing) Ang dami niyo naman kasing order. Magkano lahat yan?

Me: (Smile)

Darius: Hehe. Bale, 368 po.

Lola: Ang laki din ano?

Darius: Sakto lang po yan, para mabusog po ito. Para walang masabi ang nanay niya sa akin.

Lola: Ay ganun?

Darius: De, biro lang po. Ganito po talaga yung lagi naming ginagawa, kumain lang ng kumain.

Lola: Kung ako lang din naman ang nanay niya sasabihin ko sayo na "Sige, pakainin mo lang ng pakainin ang anak ko." (laugh) Nagtatrabaho na ba kayo?

Darius: Naku! Hindi po! Estudyante palang po kami.

Lola: Ay naku! Ganun ba? San naman kayo nag-aaral at anong year niyo na?

Darius: Siya po sa Bestlink ako po sa AMA. Ako po graduating siya po magthithird year.

Lola: Ilan taon na kayo?

Darius: Ay 18 po siya ako po 19.

Wow! Nagiinterview si lola. Ang cool niya talaga magsalita pero ang simple lang ng damitan niya.

Lola: Ay jusko! Ang babata pa ninyo. Dapat magtrabaho muna bago mag-asawa. Kung anak ko pala talaga siya di kita ibibigay sa kanya.

Darius: (tawa) Ay opo naman po, ayoko rin naman pong umasa sa mga magulang ko.

Then umepal ako.

Me: Kasi po nasa ibang bansa ang mama niya. Nandito lang po yan para mag-aral. After po ng working experience niya dito, uuwi na po siya sa kanila sa SAUDI.

Lola: Ah ganun? Sino kasama mo sa bahay?

Darius: ako lang po mag-isa.

Lola: Naku. Kailangan mo nga ng kasama.

Darius: Ok lang po sanay na. Kaya nga po wala po sa plano namin yung mag-asawa na agad. Kasi ayoko pong umasa sa mga magulang ko. Nakakahiya din po kasi.

Lola: Aba oo. Kasi nandyan yung isusumbat nila sayo lahat. Saka ha? siguraduhin mong gagraduate ka para ibigay ko sayo ang ANAK ko (sabay tingin sakin)

I smiled and naiiyak kasi natutuwa ako kay lola. Ang cool niya and tinawag niya pa akong ANAK.

Me: Dre, take-out na this!

Darius: Sige wait. *Sir, pa-take naman po nito saka nito saka nito.*

Lola: Saka ito pa. Naku sayang yan.

Crew: Ipaplastik ko nalang ah.

Me: Baka naman iplastik yan ng ganyan ganyan lang.

Crew: (may isang maangas na pananalita) Iseseparate po natin yan mam. Di po kami ganun.

Me to Darius: Luh? Ang ibig kong sabihin, kung iseseparate niya pwede naman niyang istyro kasi kung ipaplastik niya maghahalo halo yun sa loob.

Lola: Ikaw naman! Hayaan mo na.

Me: *Natatawa?*

Lola: Naku dun din sa Chowking sa bayan ang daming nagrereklamo eh.

Darius: Onga po. Hayaan niyo na lang po sila.

Dumating na yung crew after ilang minutes...

Binigay samin yung pinatake out namin ng nakaplastik. Ang baboy ng pagkakalagay niyo fre! Gusto ko magreklamo pero syempre ayokong mainis din sakin si Cool Lola so I keep calm. Nagulat din naman sila nung nakita nila yung plastik. wait. Kinuhaan ko siya ng picture ehh..


Yes, the first picture yun ang steamed kangkong. Ay grabe. Nakakasuya ang itsura. So ganyan pala sila magtake-out sa chowking? Pero nung binigay namin yung steamed kangkong na yun sa kanila, nakastyro yun. So why not, takpan ang styro then iplastik hindi yung itapon ang styro ilagay muna ang bagoong at kangkong s plastik then isara. Kung matino kang tao, hindi mo paghahaluin yun kasi magmumuka yung kaning baboy. and it was so. 

Then the second picture, yun ang canton, rice, and chicken. walang problema sa mga yan kaya lang look. Parang pangkarenderya lang. Im not maarte or what. Nanggaling kasi sa bibig nung crew na hindi sila ganun tapos makikita mo pagbigay sayo ganun. -____- Parang hindi safe, parang ang dumi.


Hindi ako hater ng chowking by the way. In fact, laman kami ng chowking ni darius. Pero nagulat ako kasi first kong magpatake out sa kanila. THIS IS SOOOOO UGH!


Then going back kay lola, yun iniwan namin siya na kumakain ng halo-halo. Blinog ko to kasi natutuwa ako sa mga approachable na tao gaya ni Lola. Meron din kasi akong lola and ang lambot ng puso ko pagdating sa mga lola na kagaya niya. Second, i blog this kasi dahil sa inis ko sa Chowking. NO HATE JUST LOVE. HAHAHAHHA. If you're going to ask me about chowking and you're in the nega side, just dont try to, baka isunod kita  sa blog ko. LOL kidding! ;)))


Thanks to all of you who read this! <3

(c)KATRIN JOY A. CIELO